May 4, 2009

Crazy Death-Defying Stunt by Kevin

Salamat sa Diyos at ako'y buhay pa. ahehe.

Kahapon kasi (03May09), pupunta sana kaming tatlo ni daddy at kuya sa Festi. Magdi-dinner sana kami saka mamimili ng kung ano-ano. Edi umalis kami sa bahay ng mga 7:20pm; naka-sasakyan kami. Pagdating ba naman dun sa malapit sa may tulay ng SLEX (di ko masabi yung eksaktong lugar), namatay yung makina ng sasakyan namin. Naubos daw yung ATF (Automatic Transmission Fluid, pero hindi ko alam kung para saan yun) ng makina. Mabuti na lang eh malapit na kami sa Caltex nasiraan, yung katapat ng Petron sa kabila, kaya konting tulak lang eh nakapag-park kami dun.

Nung pinabili ako ni Daddy ng ATF, aba naman eh wala na daw stock yung Caltex. Sabi sakin nung gas boy na tinanong ko, subukan ko daw sa Petron, may (parang) tawiran naman yung bakod nung dalawang traffic lanes.

Edi tinawid ko. Isa sa mga pinaka-death-defying stunts na nagawa ko sa buhay ko dahil sa bigay na lakas ni Lord. Para lang akong nasa Perpetual na tumatawid sa kalye, ayun nga lang, tatlong lane meron sa isang direksyon ng traffic na kung saan dumadaan ang madaming sasakyan na nasa mga 100kph ang takbo. Bale 6 lahat yung lanes na tinawid ko bago ako nakarating sa kabila. Syempre nung nakabili na ako, tumawid ulit ako. Grabe. Idinaan ko na lang sa mga praise songs yung kaba ko. Grabe talaga.
Salamat kay Lord sa bigay nyang lakas ng katawan (pagod pa dahil sa camp) at kalooban. Glory to You, Lord!

PS hind na nga pala kami natuloy sa Festi kasi hindi pa din nag-start ng maayos yung sasakyan kaya iniwan namin yung sasakyan namin sa Caltex tapos nagpasundo na lang kami kina Pastor Ely. Salamat po kina Pastor sa pagsundo.

0 comments: