June 8, 2009

Acts 13 Initiative Boot Camp 2008

*Back from hiatus!*


'Di ko na maikukwento lahat 'to kasi matagal na 'to...sayang. Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng oras na gumawa ulit ng post.

So, Boot Camp is a yearly activity by Acts 13 Initiative. (Boot Camp 2008 'tong ikukwento ko.) Ayun, isang araw napadpad si kuya Jervy sa Carmona Christian Church at nagtanong kung meron ba sa mga youth sa church na pwedeng makasama sa mga dancers para sa opening ng Boot Camp. Nung una, hindi pa kami sigurado kung sasama kami. Sabi naman ni kuya Jervy, "Para naman sa Panginoon 'to e." Oo nga naman. Magpapaalam lang muna ako sa parents namin kung pwede kaming sumama. Pinayagan naman nila ako (saka sila Al, Grace, Vez, saka si Melky), yehey. Sayang nga si Kem e, may pasok kasi sya.

Tinuruan kami ni kuya Jervy ng sayaw nang dalawa o tatlo yatang araw sa church buong maghapon. May kasama pala kami sa sayaw na taga-Muntinlupa, si ate Buen saka si Von.

Tuesday kami pumunta sa La Vista Pansol, May 6, 2008. Pagdating namin doon, talagang alaga nila kami. Hehe. Para kaming staff dun; kumakain kami kasama ng staff, tapos nalilibot pa namin yung buong resort pag libre kami. At nakakapag-swimming din ng libre (may sundalo pa kaming bantay sa gabi habang nagsuswimming, anu panis hehe). Pero syempre kapag oras ng practice, nagpapractice naman kami.

Ang sarap sumayaw para kay Lord. Bago kasi nag-umpisa yung program nung gabi, nagkaroon muna ng fellowship yung mga staff sa worship room. Nakakahiya nga e, nakasapatos kami. Di kasi namin alam na hindi pala nila ipinapasok yung sapatos/chinelas nila sa loob, e naka-ayos na kami nung sundalo costume namin. Kumakanta sila kay Lord kahit walang instruments. May nagta-tounges pa nga (first time ko kasi nakarinig nun). Pagkatapos nun, sinabi ni Pastor Keith Lindsey na kailangan e handa kami sa pagmiminister sa mga kabataan dun, kaya pinag-pray namin ang bawat isa na ihanda ni Lord sa mga activities na gagawin.

Nung sumasayaw na kami, talagang 200% sayaw! All the world can't stop Him! Parang sinasabi mo yung lyrics ng kanta sa paggalaw mo. Ayun, may konting sablay sa bandang una, pero ayos pa din ang kinalabasan. Astig!

Pagkatapos namin sumayaw, praise and worship ang sumunod. Ang masasabi ko lang e, waaaaaw. Grabe ang sarap din. Dun namin unang narinig yung My Future Decided ng Hillsong. Medyo bago pa yun nun e. Syempre rakrakan kami dun, kantahan at lundagan para sa Diyos. Astig din yung mga tumutugtog at kumakanta, pati din yung set nila. Gretsch ba naman yung drums e. Hanep. Hehe.

Ang tagal din nila mag-praise and worship. mga 1 hour, lampas pa. Pero ayus lang, ayus naman e. Ah basta. :)

Ang dami pa naming ibang ginawa dun: nanood ng Slam Dunk sa cable tv, nagchillax sa de-aircon naming kwarto, nag-swimming nang 11pm yata yun hanggang 1am, natulog ng dalawang oras lang, naglaro ng video game, at nagpicturan. Hehe. Nakilala din namin doon sila kuya Joseph na malaki, si ate Tintin?, si Eldy na fetus (?, basta sabi ni kuya Joseph), si Billy na bassist, saka yung iba pa.

Masaya din siguro maging camper ng Boot Camp. Buti pa si ate Buen saka si Von, campers. Pero kahit paano e na-experience din namin nung nakikain kami sa mga campers nung tanghali nung Wednesday, May 7 (pero hindi yata kumain si Al saka sino pa ba...basta ako saka si Vez saka si kuya Jon lang yata.) Kamayan sila nun, magkaka-share ng pagkain sa lamesa na may latag ng dahon ng saging, tapos tilapia ang ulam na may kamatis. Pag wala na daw kaming kanin e kailangan lang namin sumigaw ng "need rice refill NOW!"

Sabi namin, next year sasama ulit kami sa Boot Camp (campers na kami), pero hindi kami nakasama ngayong 2009 e. Basta sa Tagaytay daw ang Boot Camp ngayong year.

Ayaw pa talaga namin umuwi nung Wednesday ng tanghali, kaya lang nakakahiya na kasi sa kanila. Ang usapan kasi namin e hanggang Wednesday lang kami, pati yun din lang ang paalam namin sa mga parents namin (pero ayos lang sakin kasi si daddy naman ang sumundo sa amin). At saka kahit paano e nakakapagod din pala (pero saka ko lang naramdaman na pagod ako pagdating namin sa bahay).

Speaking of sigaw sa pagkain kanina, astig ang yell ng Boot Camp 20-oh 8. RISE UP AND STAND FIRM! *foot stomps the ground two times* HOO-HAA!

Astig na experience! Blessed! Thank You, Lord!

*Photos can be viewed in my Friendster photo album.

1 comments:

Unknown said...

sayang kevs,, ang saya nio pla..huhuhu!!.. kainis wla ako.. panu mo nlman na sa tagaytay ung boot camp this year?.. at kelan?.. tpos na ba?..

-KEM kun