September 17, 2008

University Week 2008

Minsan ayaw kong aminin, pero totoo ngang nag-iimprove na ang Perps; ok naman yung CR (sa first floor lang kasi may aircon), may online grade inquiry system na, tapos may buhay na ang University Week (U-Week for short) kumpara sa dati. Syempre dahil yun sa mga binayad naming mga students. Heh. Mas madami nang booth, may tacsiyapo wall na (yung pader na pwede kang magbato ng plato, pero itlog lang ng pugo ang ibinabato sa halip na plato), mas makulay na ang banderitas, may soccer na (football kayo jan), saka digital na yung shotclock saka timer sa basketball. Ngayon ko lang din na-appreciate yung mga gadget ng Audio Tricks tulad nung mga lights saka nung mga sets nila. Ilang roll-call din (o attendance, tulad ng tawag ni Gene) ang narinig ko, pero hindi yata ako naki-sigaw sa mga kapwa CBA (College of Business and Accountancy) ko. Wala lang, very supportive talaga ako. :P Here's my recap of all the Week's events.


08Sep08
Badtrip ang parade ngayon. Idaan ba naman sa papuntang Biñan, pagkalayo-layo. Wala pa naman akong dalang extra shirt.
Yung cheerdance, ok naman. Wala ngayong entry ang Maritime saka Basic Education. Ahm, ok naman yung sa Business e. Maganda yung costume, yung gold saka silver. Ayus dun yung sa HRM, daming special na ano, basta. Tapos animè naman yung trip nung CAS, kahit hindi bagay yung kanta sa Recca saka sa Rayearth. weh.
Dapat maglalaro ako nun sa cultural games, pero alas-kwatro na e wala pa din kundi tug o' war lang. Mga calamansi relay pa naman yung ineexpect ko na games. Nagpraktis pa naman ako na kumagat ng kutsara para sa kalamansi. Joke lang. Sayang talaga. Nag-chess na lang tuloy kami sa lib, nagpalipas ng oras at nagpatuyo ng damit sa aircon (wala nga kasi akong extra shirt).

09Sep08
Akala ko hindi na ako pupunta sa skul nung Tuesday kasi masama ang pakiramdam ko nung umaga, pero pumunta pa rin ako. Sayang ang araw kung sa bahay lang ako. Singing at Dance competition ang mga events nun. Nain-love na naman ako nun dahil sa Hanggang Ngayon (Regine Velasquez and Ogie Alcasid) na kinanta nung Basic Ed saka ni Celie at ni Alatiit. May naalala kasi ako...
Ayos lang yung Dance Competition, kaya lang pare-pareho yung mga sinayaw nila. Mas gusto ko kasi yung puro remix. Pagkatapos nung Dance Competition, sa Basketball naman kami nung girls nanood (go Jolly), kaya lang 7:30pm na. Hindi na tuloy namin natapos. Baka kasi abutan kami ng ulan...Go din Rana at Noemie!

11Sep08
Walang events nung Wednesday kasi daw birthday ni Dr. J., kaya inusod yung events. Yun tuloy, alas-otso nang umaga yung talent portion nung Mr. and Ms. Perpetual. Ang aga naman...nahuli tuloy ako nang dating (sa upuan, naubusan ako. huhu).
Kahit paano may talent naman sila lahat. Agaw-atensyon saki yung Korean, si Shine (Song Young Cook ba? Tama ba?). Grabe, nakakatuwa siya. Sumayaw na, nag-violin pa! tapos kumanta pa, kaya lang Korean yung kinanta, pero ok lang sa akin yun, cute pa din naman sya. ü Parang ganun din yung ginawa ni Vanessa (Michaelean yan) or Apol, tawag sa kanya nung iba. Drama monologue yata yun, sumayaw, tapos kumanta. Tapos binitiwan yung balloon na nakatali sa kamay nya, kaya hanggang gabi nasa PAT pa din yung kulay puti na lobo. Astig pa yung nag-Michael Jackson sa Male. Sayang talaga hindi ko nasimulan, nag-CR kasi ako nun e. Lupet, kuha nya yung moonwalk. Astig. Kaya lang hindi nanalo nung gabi...sayang talaga, saka si Shine. Iba yung nanalo sa Female.
Coronation night na yung sa hapon (3pm daw pero 5pm nagsimula, Perps talaga). Ganda talaga ni Shine nun, kahit malabo yung mata ko at nalalaman kong sya na dahil sa candidate number. :P Hindi na din namin tinapos ni Eleazar, 8pm na kasi e.

12Sep08
Saktong 4:30pm ako nakarating sa skul, tulad nang sabi ko kay Ysam. Ngayon lang yata ako nakarating sa oras na ako ang nagsabi...ahaha. Nagbayad na ako para sa mahal naming Field Trip (gets) para mabawasan ako nang poproblemahin. Astig talaga nun yung laptop ni An2ny, mga effects ang pinapatunog. Bagay sa music ng CAS (The Yumols V.8), parang ballad na pop. Maganda din pala yung Champagne Supernova nung Oasis, yung kinanta ng sa Business (Tom Sawyer). Tapos ok din yung sa CIHM, yung tumugtog nung 99 Red Baloons. Babae yung kumanta...kuhang-kuha. Malupit din yung nag-gitara. Sayang nga hindi ko tinapos kasi medyo umaambon na nung mga 7:30pm yata yun. Salamat nga pala Bert sa piso, saka kay Lani sa pamasahe ko sa tricycle. ü

13sep08
Na-late ako nang punta sa skul. Alas-dos na ako nakarating. Hayy. Sayang, wala na yung tarp nila Shine sa first-and-a-half floor. Nag-start na yung awarding pagkadating ko. Sila Albert lang ang nakasama ko nun. Tulad nung Tuesay, standing na naman kami, pero nakaupo din nung mga bandang 4pm. Wala din si Shine sa variety show...sayang talaga. Grabe yung isang nagperform sa show, bading daw yun. Nililipsync nya yung mga live na kanta ni Lani Misalucha. Astig din yung performance nung mga faculty members nung sa CAS. Low na, Soulja Boy pa! YOUUU! Ahehe. Umalis na ako nung 5pm.

Overall Satisfaction Rating: 7/10 (Pretty nice.)
7 lang, kasi hindi ako nakapaglaro ng cultural games. Wah. Tapos medyo madaming problema sa variety show; hindi masyado updated si Gene, yung MC. Tumalon pa yung CD na sinayaw nung sa Business (Nakakahiya yun). Asar din talaga ako sa parade. Tapos mga one or two hours late yung ibang mga program, as expected.
Pero masaya pa din ako sa natapos na U-Week. Nakilala ko si Shine (hindi personal, pero ayus lang yung). Nakasama ko yung iba kong klasmeyts na hindi ko lagi nakakasama. Maganda yung mga presentations na napanood ko. Panibagong experience na naman yun sa aking buhay. Ma-drama na naman ako. Ahaha.
Salamat, Lord sa U-Week na natapos.

0 comments: