Showing posts with label Music. Show all posts
Showing posts with label Music. Show all posts

June 13, 2010

Insights on Paramore's song Careful

I'm a big fan of Paramore. Asteeg kasi yung image nila, saka malupet yung lyrics. Kare-release lang ng bagong music video nila para sa Careful, the fourth single off Brand New Eyes. Ito daw yung pangatlong tour plus off-tour compilation video nila, kaya nakasama yung 'Pinas sa mga clips na ginamit. Yeah, nakasuot si Hayley ng Thrilla in Manila. Tapos may jeep pa! hehe. Sabi nga nung isang nagcomment sa YouTube, "Hayley's headbanging [is] EPIC." So rockin' true.


Ok na sana lahat tungkol dun sa video, kaya lang hindi ko nagustuhan yung ibang part ng song. Sabi kasi nung lyrics eh the truth never set me free, so I did it myself. Wah bakit. Sabi kasi sa Bible, "And ye shall know the truth, and the truth shall make you free." That's from John 8:32. I know Hayley has faith in God, but what does her lyrics really mean? Yun nga ba yun sa John? Hayley please enlighten me...I like you kasi. haha.


If God's the game that you're playing
Well we must get more acquainted


View Full Post

December 25, 2009

Higante - Francis M and Ely Buendia

Yeah. Akalain mo, ito ang huling music video ni Francis M. Astig 'to.



Magtago ka na dambuhala
Kakampi namin si Bathala
Kung ayaw mo na maniwala
Sa bato mapipinsala


Naniniwala ako na si Goliath yung tinutukoy nila na dambuhala. Yun yung nasa Bible, yung nakalaban ni David si Goliath, tapos napatumba ni David si Goliath sa isang tira lang ng bato. Tugsh.



View Full Post

July 25, 2008

Day Review - 23July08 | UPHSL Accountancy Day 2008

5:28am
Ginising nanaman ako ng alarm ng cellphone kong basag ang LCD. Mga six hours lang yata ang tulog ko, kaya humiga muna ako sa may sala hanggang mga 5:45am, saka naghanda ng kakainin. Pagkatapos kong magprepare, nagpaalam na ako papuntang skul, dala yung gitara pero hindi yata alam nila Dady at Kuya yun. Nilagay ko sa loob ng case ng gitara yung iba kong gamit para isa na lang a ng bitbit ko. Tapus nag-commute na ako papuntang skul.

7:40am
kaunti pa lang ang tao pagkarating ko sa PAT. Inilabas ko agad yung gitara para ma-soundcheck sa mic. Ok naman... tapus sinubukan na naming tugtugin at kantahin yung Beautiful In My Eyes (request ni Daniel) sa labas ng PAT. Di ko pala dala yung chords, pero ayus naman yung tunog ng naalala kong chords.

8:20am -5:00pm
Nag-start na yung program. Nag-opening remarks saka inspirational message si Dr. Yu, tapos dunating na yung ininvite na speaker. Sa tingin ko wala naman masyadong nakinig dun sa speaker. Ako nga din eh, medyo inantok habang nagsasalita sya. Pero siguro kulang lang talaga ako sa tulog. (-_-) Tapos tinawag ako ni Daniel, papraktisin daw namin yung kanta ulit sa labas habang kinukuha ng ibang officers yung pagkain sa LA. (as in LA Canteen, sa kanluran) Dun kami nagpraktis sa C.Sim (Commerce Simulation Room?), tapus umalis na kami nung dumating na sila dean Mendiola (dati) sa C.Sim. Bumalik na kami sa PAT.

Pagkatapos magsalita nung speaker, nag-intermission number (kumanta) si Celie, yung crush ni Eleazar. (yee) Tapus sinerve na yung lunch. Nagkalat pa si Charles ng toyo sa PAT. Hey Charlie, it's your fault. haha. ^^ Tapos sinimulan na nilang i-play yung The Pursuit Of Happyness, yung film mi Will Smith.

Naupo muna kami nila Dan at Eli sa bandang likod, tapos lumipat kami sa harap kasi mahirap pala manood sa likod. tapos biglang umalis si Daniel. lumipat din si Riza at Cam sa unahan. Nagutom bigla si Eleazar, kaya lumabas muna sya para mag-lunch (hindi nga pala kumain si Eleazar nung sinerve kasi hindi daw sya nagbayad). Edi kinda alone na ako (T_T). Nandoon kami nakaupo sa harap ng mga First Year. Yung maliligalig na mga First Year na yon, nag-gagasuhan sa likod ko, nagtatawanan kahit hindi naman nakakatawa yung part ng movie. Ah basta nainis ako. Gusto ko kasing maintindihan yung movie, maganda daw kasi yun. Indeed, it is. Magaling talaga si Will Smith. Tinapos ko talaga yun, kahit freezing and alone na ako dun sa harap (kahit three chairs away lang sa tabi sila ate Sharla).

Nilamig ako pagkatapos nun, kaya lumabas muna ako. Hindi ko tuloy natulungan si Daniel sa games saka sa pagseset ng upuan para sa Quiz Bee. Sowi. Ahm, Hep Hep Hooray yung unang game. It's really fun to watch. Ang alam ko nga, Hip-Hip, Hooray! ang original nun, mga napapanood ko sa cartoons pag nagcecelebrate sila. Nanalo si Gladys Chua (JPAMA) saka si Jolly. Mahusay. ü

Quiz Bee na yung sunod. Medyo nilalamig pa din ako nun, kaya lumabas ulit ako dala yung gitara, saka kasama si Eleazar. Nagjamming kami ng konti, hanggang sa irequest ni Eleazar yung Cry ni Mandy Moore. Sabi ko, "ui mukhang pwede yun ah! pwede..." kaya pumasok ako sa loob tapos pinagpaalam ko kay Jolly saka kay Rana kung ok lang yung Cry. Ok lang naman daw sabi nlia.

Pagkatapos ng Quiz Bee (di ko na alam tuloy kung sino yung nanalo), naglaro ulit sila. Di na akomakasali kasi kinakakabahan na ako. Yung pass the message na isusulat sa likod yung nilaro nila, kung di ako nagkakamali. Pinag-bantay ako ni Daniel kung may lilingon sa likod o magsasalita. Buti na lang, mababait yung mga binantayan ko, kaya pinanood ko lang sila. It's a lotta fun. ü

Singing competition na. Medyo nagready na ako, tapos dun na kami umupo sa unahan. Tapos napansin ni Eleazar na namantsahan pala yung tshirt ko nang toyo sa likod, pero maliit lang naman. Nanuna nang kumanta yung First Year. Saving All My Love yung kunanta nya. Magaling sya, pang U-week (University Week) nga daw sabi ni Daniel. Tapus si Eden yung sumunod, Second Year sya. I Love You Goodbye ang kinanta nya. Tapus ako na. :P nagconcert lang ako. Pinakanta ko yung audience. weh. Cry yung kinanta ko, gamit yung acoustic. May minus1 kasi yung mga unang kumanta. Tapus sumunod si Daniel. Broken Vow dapat yung kakantahin nya, pero mahina yata (o ayaw gumana nung) yung output ng cd, kaya nag-Always Be My Baby na lang sya, acoustic din. Tapus si Gene na, Fourth Year. Wagi, hehe. Sigawan yung audience hanggang matapos sya kumanta. Tapos yung kapatid ni Albert (??) na First Year. Maybe This Time ang kinanta nya. Grabe mas malakas ang sigawan, tapos nakangiti sya habang kumakanta. ü

Pagkatapos ng singing competition, nag-games ulit. The game of investments. Parang the longest line, pero hindi pahabaan ng linya kundi palakihan ng pints sa nga item na ilalapag ng players. May corresponding na points yung bawat damit, tulad ng tshirt na worth 1000 points. 1000 points din yata yung strap ng bra. Grabe may nagtanggal pa yata ng strap. Basta hindi sila Eleazar yung nanalo nun. It's a wild game. Hehe.

Inaward na yung mga winners nung mga games. Tapos nag-closing remarks na si mamBaterina, Tapos nag-uwian na. Pinabili ako nila Jolly ng C2 para kay mamBaterina na akala ko ay pinapabili ni mamBaterina. weh. Sorry, my bad. Mabilis lang sila nagligpit.

5:30pm
Dumerecho na kami si kanluran para ibalik yung sobrang toyo at ketchup sa LA Canteen, tapos kumain kami sa Trixie's. Mag-iinuman daw sila, kaya iniwan na namin sila Daniel sa Taporits. Pareho kami ng saaskyan ni Eleazar, kaya naghintay kami ng jeep sa terminal ng Perps, tapos dumaan dun sila Daniel. Magbabagong buhay na daw sila kaya hindi na sila iinom. weh. Tapos sumakay na si Alex. Sumakay na din kami sa jeep ni Eleazar na byaheng Cabuyao. Pupunta kasi akong SM para bumili ng All Of The Above.

Pagkarating ko sa SM, dumerecho na ako agad sa House of Praise. Tinanong ko yung AOTA saka yung I-Heart Revolution. P525 pala yung I-Heart, kulang sa budget ko, pero yung AOTA naman talaga yung balak kong bilhin, kaya binili ko na. Tapos umuwi na ako.

Natapos na ang araw ko. Salamat kay Lord dahil may Accountancy Day na lumipas. Nag-enjoy ako dun sa company ng bawat isa. Salamat din sa Kanya dahil may All Of The Above na ako. Wee.

View Full Post

May 26, 2008

Day Review - 26May08 | Hillsong United Live In Manila 2008

Nasa baba po yung tungkol sa HU, 7:10pm. thanks.
8:20am
Tumunog na yung alarm ng cellphone ko, pero nakatulog pa ulit ako nang mga ten minutes. Di na ako nakapag-stretching. Kumain na agad ako ng breakfast: Scrambled Egg (as usual). Tapos nagprepare na agad ako (naligo, nagbihis, nagtoothbrush). Mga 9:40am na ako natapos. Dumating na si Kem sa amin nung mga 9:50am, nakamotor sya. Una, hiniram muna namin yung printer ng church kila NayGunyung, yun kasi ang gagamitin namin sa pagpiprint ng tickets sa concert namin. Tapus pumunta na kami sa SM. Pagtinign ko sa cellphone ko nung nasa jeep kami, may text pala si Vez. Sabi nya nakita daw nya kami ni Kem na naka-motor, tapus nasa elementary skul daw sya ng Sto.Tomas. Sabi namin ni Kem:"edi nka-enrol kna? hehe"
Bumaba na kami sa SM Sta.Rosa. Pinuntahan agad namin yung SM TicketNet. Bibili kasi kami ng ticket para sa Hillsong United para kila Jessica at Angel (At Vez, pero di pa sure). Medyo kabado pa kami sa paglapit namin sa teller. Nung una naming tinanung si ate na teller, sabi nya wala na daw tickets sa HU (short for Hillsong United). Medyo nagulat ako, pero pinilit ko pa din. Sabi ko, "e sa Generel Admission po?", baka kasi ibang ticket ang tinignan nya. Pagtingin nya, mga nasa 420 pa ang tickets. "Hayy, buti na lang" sabi ko sa sarili ko. mas inexpect ko kasi na wala na para kung wala na nga, hindi na ako masyado magugulat. Nagprint na si ate ng dalawang tickets tapos nagbayad na si Kem tapos binigay na samin yung tickets saka yung receipt saka yung lalagyan ng tickets. Ang daya nga e, ang linaw nung pagkaka-print nung ticket nila, yung sa amin kasi na galing kay Laudemer medyo burado na, tapos may lalagyan pa yung sa kanila. Weh. Dalawa lang muna ang binili namin kasi hindi pa talaga sure si Vez. Tinext namin sya, sabi namin sa kanya meron pa. Sabi nya w8 lng daw kami, kaya naghanap na muna kami ng cartridge na gagamitin sa printer. Mahal pala ang original na cartridge ng Canon, kaya naghanap kami ng pa-refill. Itinuro kami nung tindera ng CDR-KING sa Ink-King yata yun, basta yung sa 2nd floor na malapit sa Eat Street. Sabi naman ni ate dun, P500 daw ang pa-refill ng cartridge sa Canon. P500 lang ang budget namin, eksato lang pala. Weh. Sabi ko magpaprint na lang kami para mas maka-mura. Sayang yung pagkakahiram namin nung printer, pero ok lang, ibabalik na lang namin yun. Bumili muna kami ng papel na pagpapaprintan ng ticket sa National Bookstore. Tapus nagtext na si Vez, pinayagan na daw sya, Kaya pumunta ulit kami sa TicketNet. Pagpunta namin dun, may bumibili din ng ticket, pero para sa High School Musical. Ewan ko ba dun, ang tagal makipag-transact. Mga 30 minutes yata kami nakatayo dun, may mga sinasabi pa sya tapus may kausap pa sya sa cellphone nya. Weh. Pagkatapus nya, nakabili din kami ulit nang isa pa. Tinext ni Kem si Vez:
"Vez! Wala na











..wala nang makapipigil
sa atin mmya!"
Reply ni Vez:
"anu?! wala nang tiket?!
di ko gets nabura qna e
pakisend ulit!"
hehe. tapos nagreply kami kay Vez na iiscroll-down nya yung text. Sinend din ulit ni Kem yung text. ayun nabasa na ni Vez pagkareply nya. hehe.
Bumili kami ng waffle dun sa Waffle Time, ang favorite snack nila Nikko. Nag-reminisce kami sa pagkain nun kasama si Emman at Nikko at Eryl. hehehe.
Umalis kami ni Kem sa SM nung mga 12:30pm. Dumerecho na sya sa skul, tapus bumaba na ako sa Olivarez.

1:15pm
Pagka-uwi ko, kumain na ako ng tanghalian, tapos naghugas ng kinainan. Naglaba naman si Dady, kaya tumulong ako sa pagsasampay. Medyo sinisipon ako nun, kaya nung nagsasampay ako, napa-bahing ako habang nakakapit sa sampayan. Ayun, naputol yung sinasabitan ng sampayan namin. mga bandang 4:20pm na yun. Asar talaga, 1 hour na lang aalis na kami papuntang Araneta, na-abala pa kami sa sampayan. Sabi sakin ni Dady, "grabe naman yung pagbahing mo, ang lakas."
Rush mode tuloy ako sa pagbabanlaw nung mga damit na nahulog. Sinampay ko ulit yun sa ibang sampayan, tapos nagprepare na ako ulit. Mga 4:40pm na kami nakaalis ng bahay. 4:30pm ang usapan namin ng mga sasama sa Araneta, buti na lang advanced naman yung relo namin ng mga 15 minutes. Sinundo na namin yung mga taga-Southville, tapus si ateJuvy sa Barangay Hall, tapos sila kuyaJon, Al, Melky, at Vez sa church. Sabi ni mamBeth, ikamusta daw namin sya kay Darlene Zschech. hehe. Pumunta na kami...

5:10pm
Tumigil muna kami sa palengke para bumili ng kaunting pagkain. Tapos derecho na kami sa Araneta Coliseum, ang lugar na pagco-concertan ng HU. Nabalitaan ko yung concert nila sa profile ng KKB Sta.Rosa sa Friendster. Tapus ayun na, kung saan-saang website na ako nakarating. lagi na dn akong bumibisita sa unitedmanila08.multiply.com para sa updates ng tickets. Nung magka-pera ako, pinilit ko na si Kem na manood kami, hanggang sa nagka-ayaan na lahat. Kaya 13 kaming nasa sasakyan namin:ako, si Dady (pero di sya nanood), si Kem, AteDeeJay, Grace, Al, Vez, Joseph, AteJuvy, Jessica, Angel, KuyaJon, at si Melky.

7:10pm
Ibinaba na kami ni Dady sa harap ng Araneta Coliseum. Hinanap namin yung gate ng General Admission, tapos pumasok na kami. Nag-CR muna kaming lahat. Naunang kaming natapos (boys) kaya nagpicturepicture muna kami. hehe. Nung kumpleto na yung girls, pumasok na kami sa door number 7, kung di ako nagkakamali.
"Wow, so this is Araneta Coliseum. At dun sa stage na yun tutugtog ang HU."
Ang layo namin sa stage. But what do we expect. Nasa General Admission kami e. Ayus lang, yung music naman kasi ang mahalaga para sa amin. Syempre, picturepicture ulit. Mababa lang yung level nung sahig sa Upper Box B sa General Admission, tapos may nakikita pa kaming mga tumatawid, kaya pinlano naming tumawid para mas malapit ang view namin. Pero hindi namin tinuloy, baka mahuli e, first time pa naman namin nila Vez manood sa Araneta. May apat na projector sa loob. May naka-flash pa nga na message sa projector na bawal daw kumuha ng video at audio sa loob. Ehh, baka once in a lifetime lang to e, kaya kumuha pa din kami ng mga videos at photos. Pasaway talaga. :)

8:15pm
May tao na pumunta sa stage. Taga-Winners Circle Ministries daw sya, yung group na nag-organize ng concert. Inendorse nya yung album ng HU, yung The I Heart Revolution: With Heart As One saka may kasama daw na tshirt yun for P600. Tapus nag-opening prayer sya. Sumigaw yung crowd (kasama ako dun) ng AMEN!!! pagkatapos ng prayer. Sabi nya din magsisimula na rin daw yung concert in a short while.

The time of praise and worship with Hillsong United - 8:26pm-11:05pm
Pinatay na lahat ng ilaw. Tapus pagkabukas ng spotlight, nasa unahan na si Joel Houston, may hawak na Bible. Sabi nya, "Sing unto the Lord a new song" tapus nagsigawan na yung mga tao. Ang dami mong makikitang mga flash ng camera. Hanngang sa may hawak na syang acoustic guitar, tapos kumanta na sila ng The Time Has Come. Hindi ko masyado alam yung kanta, pero naririnig ko na din yun. Konting part lang ang nasabayan ko. Tapos tinugtog na nila yung Break Free, ang pinakahihintay namin ni Vez. Vinideohan ni Vez yun, yun kasi ang pasalubong namin kay Cye.
Nakatayo kaming lahat hanggang matapos ang concert, except ako saka si Al, merong mga 15 minutes na umupo muna kaming dalawa. Meron silang mga kinta na hindi namin alam, kaya medyo nagkulitan lang kami nun. Dun nga sa Look To You, nagpicturepicture kami, e nakulitan yung babae na nasa unahan namin. Sabi nya samin, "Guys, guys, I think you're quite disturbing. Quiet down, okay?? Just worship." Tigil kami e. Tapos humarap ulit samin. Sabi nya naman,
"Just look up in the sky so high. Okay??"
"Yes, ma'am." sabi ni Vez.
Tumahimik talaga kami nun.
--Ate kung sakaling mabasa mo to, sorry po talaga. Ako po yung naka-jacket na green na nasa likod nyo na makulit.--
Sunod nun, pagka nag-uusap na kami nila Al, pabulong na.

I sang some of the songs with all my heart. Yung Hosanna saka yung buong kanta na From The Inside Out saka yung bridge nung Came To The Rescue saka yung Shout Unto God, kahit hindi ko sigurado yung lyrics.

Syempre, sa mga rakrakan songs tulad ng Tell The World at What The World Will Never Take, sigawan at talunan kami dun. Kung hindi man kami tumatalon, sumasabay kami sa handclap ng crowd. Nakakatuwa talaga, ang sarap mag-praise at worship kay Lord kasama ang thousands of people (mga nasa 18,000 daw ang tao nun sabi ni Laudemer sa multiply). Nakaka-bless talaga ang HU.

Nung mga kalagitnaan nung concert hanggang sa patapos na, laging sumisigaw yung crowd ng "ONE WAY! ONE WAY! ONE WAY!". Yun ang second to the last song na kinanta nila. Inumpisahan ni Joel Houston yun sa chorus, tapos tuloytuloy na. Solution yung huling kanta na kinanta nila.
"Wo-o-oh, God be the Solution
Wo-o-oh, we will be Your hands and be Your feet..."

11:05pm
Lumabas na kami. Tinext ko na si Dady na palabas na kami. Medyo nagkasalisi pa, kaya tumambay muna kami sa McDo sa Farmers' Plaza (tama ba?). Dun kasi kami dadaanan ni Dady. Habang naghihintay kami pinanuod namin yung mga videos na kinuha namin.

11:45pm
Nakasakay na kami sa sasakyan namin, tapos umuwi na kami. Nagstop-over muna kami sa Petron para sa konting snacks. Ah ako saka si Jessica saka si Joseph lang pala ang bumili ng pagkain. Tapos hinatid namin sila sa mga bahay nila. Nakitulog muna si Vez kina Al, kaya dun na sya bumaba sa Altarez.

1:25am, 27may08
Hayy nakauwi na din...what an experience. Pagkatanggal ko ng sapatos ko, uminom ako ng mga tatlong baso ng tubig. Tapos nagbihis na ako. Nag-account muna ako ng expenses at balances bago ako natulog ng 2:30am. Hayy...Salamat Lord dahil pinayagan mo kaming makasama sa concert ng HU. Salamat po talaga. ü

Nandito yung iba pa naming photos...click nyo na lang kung gusto nyo tignan. ^^

View Full Post

April 13, 2008

Day Review - 13Apr08

7:20am-8:30am
nagprepare ako sa pagpunta sa church. kinda usual.

8:30am-12:30pm

umatend ako ng servica sa church saka Sunday School. may bago kaming klasmeyt ngayon. pagkatapos ng service, nagusap-usap kami. sabi nila may evangelism daw nang 5pm, tapus may praktis din nang 6pm. sabi ko hindi ako siguradong makakasama sa evangelism kasi pupunta ako sa SM nang 2pm para sa 'Alumni Homecoming' daw ng SMCL. sinisipon ako noon, kaya hindi na ako masyado nakipag-kwentuhan.

12:30pm-2:00pm

kumain ako ng lunch, naghugas ng kinainan, tapus nagpahinga ng onti. tapus pumunta na ako sa SM.

2pm-2:27pm

byahe..walang student fee nun. konting porma lang ako. jan-jan lang pupunta. heh.

2:27pm-5:15pm

Pagdating ko sa SM, dumerecho agad ako sa Activity Center. ay hindi, sa CR pala muna. tapus sa Activity center na. aba may banda sa SM..may lyre (xylophone?) na pala ang SMCL. pagdating ko sa Activity Center, wala akong nakitang kakilala.. (alumni homecoming ba talaga??) una kong nakita si mam Ness tapus si sir David, tapus si mam Santiago. umupo muna ako sa upuan. after mga 10mins walang nangyayaring interesting. tumayo muna ako. uy si Mojal nakita ko.! yey kahit paano may nakita na akong klasmeyt. kaya lang may pupuntahan yata sila. okei lang.. tumayo lang ako sa may bandang kaliwa. may nakita akong nakatalikod sa mga nag-ooperate ng projector. si sir T-Jay yun, kaya lang may buhok na pala sya. hehe. tapus naglakad si sir T-Jay papunta sa likod. hindi nya ako napansin pagdaan nya sa harap ko. ok lang, mamaya ko na lang sya kukulitin. tapus sa kanan na side naman ako tumambay. pumunta sa akin sila Claire (ka-business sa Perps) saka si Arlie (tama ba?). andun din si Silver.

Medyo tinamad ako, kaya pumunta muna ako sa Department Store pero dumaan muna ako (ulit) sa CR, sa food court naman. andun pala sila Mojal. tapus pumunta na ako sa Department Store. hahanapin ko sila Nery, Daisie, Camille, saka Riza. pero di ko pa sila nakita.habang naglalakad ako sa Department Store, may natignan akong group.."teka si ano yun ah..! si ano!.. si..wah nalimutan ko name nya.. basta sa Herald yun e..si ano..waaaa. nakalimutan ko pa yung pangalan nya. asar."bumalik muna ako sa Activity Center. ayun nakita ko naman si Perry. tapus nilapitan ko na si sir T-Jay sa may laptop."ei ser! apir!"sabi nya parang Summer Program yun ng SMCL, kasama na din ang Alumni Homecoming. tapus sa May na daw irerelease yung Vision. tapus wag daw muna ako umuwi kasi tatawagin daw mamaya ang bawat batch. eh sabi ko aalis din ako agad. tapus kinailangan ata sya sa may projector, kaya umalis muna. tumambay lang ulit ako sa may kanan, kasama sila Claire. nakatayo lang kami sa may kanan sa tabi ng rails kasi puno na yung mga upuan. may vacant na upuan pa naman, kaya lang nahihiya lang kami makisingit. hehe.tapus lumapit sakin si ArJoy."ui musta! apir din(two hands)!"tapus may pinakilala sya sakin, nakalimutan ko lang yung pangalan. hehe. umupo ulit si ArJoy kasama sila Mojal.astig yung isang group sa dance contest, yung may sticks. nagvaviolin pa. hehe very nice. antataas pa tumalon at magbackdive. mahuhusay.pagkatapos ata nung pang-apat na group na sumayaw sa dance contest nagpaalam na ako kila Claire, tapus pinuntahan ko si ArJoy. sabi ko aalis na ako, tapus sabi nya punta muna kami kay T-Jay. edi punta kami. konting kulitan. then we posed for a photo by ma'am Ness. tapus kulitan ulit. tapus nagpaalam na ako kay sir."sige ser, sa May na lang ulet!"tapus hinatid pa ako ni ArJoy sa labas ng Activity Center."sige ingat. ü"tapus pumunta ulit ako sa Department Store para hanapin sila Riza and friends. ü una kong nadaanan si Daisie sa 2nd floor, tapus si Camille. nangamusta lang. tapus si Nery "malapit sa may manikin na naka-green." hindi ko nakita si Rizaly..


6:36pm-9:45pm

pagdating ko sa church, sarado pa. andun na si Kem at Grace. tapus after mga 15mins dumating na sila Al. konting setup, kwentuhan, tapus nag-start na din kami ng praktis para sa next sunday na praise&worship. ayus lang.. inabut kami nang 9:40pm, uuwi na dapat kami, pero nagpaiwan kaming tatlo ni Al at Vez para mag-Break Free. Yeeah.

9:45pm-12:00am mon

nagpraktis kami ng Break Free, tapus konting soundtrip sa mp4 ni Al. inabut kami ng 11:15pm yata. tapus nagpahangin muna ako ng gulong ng bike ko kila Al. nagpatulong din si Al sa trip na invitation namin sa hiking sa apr19. Bleach ang background. hehe. sabi nya, "kaya ko na to pwede nyo na akong iwanan!" kaya umuwi na kami ni Vez. nagkekwentuhan kami tungkol sa kahit ano habang naghihintay kami ng sasakyan ni Vez pauwi. Nung nakasakay na si Vez umuwi na ako.

later

kumain pa ako ng dinner pag-uwi. nabusog ako, kaya di agad ako natulog.kapagod. what a day. sayang, hindi ko nakita si ano..siya sa Alumni Homecoming. sayang talaga.pano kaya nalaman ni Vez na magkakaroon kami ng Alumni Homecoming?sana maulit, yung andin na si ano... saka si aeL din. sana. ah, si Michelle De Guzman nga pala yung nadaanan ko sa Department Store sabi ni Sir T-Jay. hindi na pwede.

View Full Post