October 15, 2011

Review

Today is Thursday, October 13, 2011, three days before the release of the results of the October CPA Board examinations. Grabe, October na; ngayong buwan na magaganap yung "prophecy" na nakasulat sa mga notebook ko/namin/natin, na by this month magiging CPA na ako/kami/tayo.

Simula nung June last year, wala akong ibang major activity kundi ang mag-aral ng nga subjects na ie-exam sa Board. I must say na madaming beses na hindi ako nakapagconcentrate sa pagrereview, pero kapag one month na lang before the exams nag-aaral talaga ako. Nasanay ako sa ganitong way of life, na after four or five or six months, makikita na agad ang resulta ng pinaghirapan.

Kapag malapit na yung exam, syempre mas matindi na yung pressure na mag-aral mabuti. Ngayong last kong review (yung two weeks before preweek), lagi akong naiiwang mag-isa sa bahay, so ang daily routine ko ay gumising, mag-stretching, kumain, mag-aral, kumain, maligo, mag-aral, kumain, maghugas ng plato, tapos mag-basa ng Bible, tapos matulog. Halos araw-araw yun, except Sundays. Nahirapan din ako sa ganong routine kasi I have to push myself beyond the limit, syempre para makapasa sa Board. Kapag tinatamad, sinasabihan ko yung sarili ko na "Keep your eyes on the prize" para kunin ko ulit yung handouts at magsagot. Sasamahan ko din ng utterance ng lyrics ng inspirational songs, lalo na yung Puso ng Spongecola. May thought na nakakapanghinayang din yung pagrereview ko, kasi ba naman ang dami-dami kong pinag-aralan na questions, situations, theories, saka formulas para sa Business Law and Taxation, pero 70 items lang ang itatanong sa exam. But then it was all part of the preparation.

Nasanay na din ako na laging nagco-commute nang more than two hours or 70 kilometers a day. Kahit namayat ako nang ganito, hindi nawala yung enthusiasm ko sa pagbabyahe simula nung unang araw ng review. Ewan ko ba kung bakit hindi ako tinatamad mag-byahe, nasa dugo ko na siguro ang pagiging byahero, haha.

Nasanay na din ako na magkaroon ng mga friends na after ng review eh baka hindi ko na makita ulit. Na-aapply ko yung mga songs tulad ng Live Like We're Dying kasi pag alam kong pwedeng last time na namin na magkikita ng friend ko na nakilala ko sa review, talagang sinasabihan ko na ng Thank You, even in other ways tulad ng pagbibigay ng kung ano-ano. Hmm, nagbigay ako ng photo na may sulat sa likod, DVD na andun yung message ko pag pinanood, saka, tren. Haha, oo tren talaga yung binigay ko, mga three feet long. Basta.

Ngayon, tapos ang lahat ng mga yun. Hindi ko na kailangang magkulong sa kwarto at magbasa ng books, o lumuwas halos araw-araw. Makakatulog na ako nang maaga at mahimbing tuwing gabi, saka makakapag-computer na ulit ako, ang aking addiction, pero, nasanay na pala ako na ginagawa yung mga ginagawa ko dati. Ewan ko ba, kahit nagcocomputer ako ngayong tapos na yung exams, hindi na ako sabik tulad nung nagrereview ako na kapag Saturday e nagla-login ako ulit sa Facebook kada logout ko (pagkalogout ko may maiisip akong gawin kaya login ulit :P ). Pag nasa loob ako ng bahay ngayon, natatamlayan ako sa sarili ko, yung feeling ko walang magawa. Actually meron, tulad ng paghuhugas ng plato, pero usually sa gabi ko kasi ginagawa yun. Samakatuwid, nami-miss ko yung buhay reviewee.

Tulad nga ng sabi ni Atty. Dante Dela Cruz, ang pagrereview ang pinakamasarap sa lahat ng academic stages, para sa mga courses na may Board exam. Sa Elementary, hmm di pa masyado maappreciate, bata pa kasi. Sa High School, "Anong masaya? Eh puro project yan eh." Ganun din sa College, lalo na yung Thesis na pinagpupuyatan talaga. Eh sa Review, wag kang pumasok kung ayaw mo, matulog ka sa classromm kung gusto mo, wag kang mag-take notes kung tinatamad ka, tapos may baon ka pa, tapos nakakapag-gala ka pa! Ahaha! Pero seriously, masarap talaga sa review. Pwedeng pumorma araw-araw. Haha. Madami kang makikilalang nanggaling sa iba't ibang part ng Pilipinas. Four hours lang ang klase, assuming Weekday classes, or two days lang if weekend session. Isa lang ang deadline na aabangan mo, yung mismong examination day. Tapos, mas ma-aaprecciate mo yung pinag-aaralan mo kasi maaaply mo talaga sa exam, di katulad sa undergrad na kung ano-ano ang lessons, tapos after ng isa di mo na mabalikan yun kasi may bago na naman. Ah, what a happy life, having all the time I need and the pleasure of being with like-minded people...

Kaya lang, it would be really foolish if I was to review just for the sake of it. Syempre kaya ako nagrereview eh para makapasa sa Board exam. It's supposed to last for just a few months, and then you'd have to leave it behind. Ayun, leave it behind, I have to say to myself. Unang-una, nakakahiya sa parents na nagbayad ng tuition ko sa review. Pangalawa, hindi pwedeng estudyante ako habangbuhay. Kailangan ko ding magtrabaho. But I consider myself as a kid, having the passion for the things I do. Yun nga lang, my body would not remain a kid; simula kasi nung review namayat talaga ako. Dahil din siguro sa kakulangan ng physical activity. Modern life tells me that I need to grow up. Right now, wala pa talaga akong idea kung saan ako magtatrabaho. Hindi ko pa din ma-imagine ang magiging daily routine ko. Siguro matututunan ko na lang yun pag andun na ako.

I really loved the life I had a few months ago: the short part of life where I know I had to seize the moment everytime it passes in front of me, knowing that it might not again. Wala akong pinagsisihan sa isang taon at kalahati kong pagrereview. Bumagsak man ako nung una, may mga kaibigan akong nakilala, at nalaman ko kung ano ba talaga ang gusto ko. Nung una ko kasing take hindi ko pa alam kung gusto ko talagang maging CPA. Kumabaga yung motto ko nun eh "bahala na." Nung second review ko, nalaman ko kung gaano ako pinagpala na makapagreview ulit at magkaroon ng chance na ibigay ang lahat ko. Dito din ako nakaramdam ng matinding suporta mula sa family, friends, at schoolmates ko, saka nagkaroon din ako dito ng idea na maging inspiration sa mga undergrad. Ganun din sa third review. Akala ko talaga bagsak na ako nun kasi hindi nirelease online yung list ng mga conditioned examinees. Gusto kong makita ng lahat na nakiinig si God sa desires natin, at Sya din ang magbibigay sayo nito, kasi Sya din ang may bigay ng desire na yun; pwede naman ako mag-work at maging successful kahit hindi ako CPA. But God told me that He wants me to be a CPA.


I really have to leave it. Haha, paulit-ulit na ako; tapusin na natin 'to. Review was supposed to be for just a few months. Para makumpleto na ang Bachelor of Science in Accountancy, dapat maging CPA na. Para maging inspirasyon sa mga undergrad, kailangang makapasa na ako sa Board. Para makita ng lahat ang glory ni God, dapat matapos na ako sa ganitong buhay.

'Di ko na kayang mabuhay sa kahapon
Kaya mula ngayon
Mula ngayon


God, help me to leave this part of my life. May You always remind me that I was made for more than this. Help me to adjust my self to the major changes that I would be going to. Lead me, always. I surrender to Your will. In Jesus' Name, amen.

0 comments: