February 21, 2010

Random Thoughts Part 1

1. Minsan, pakiramdam ko parang naglalaro kami ng Colorama sa accounting namin. Hindi kasi namin alam kung paano i-solve yung mga multiple choice problems sa book. Kunwari, sasabihin ni sir yung number ("O, six dash twenty-two, answer."). Dahil di ako sure sa solution ko, magta-try ako. ("Sir, B?") Tapos sasagot naman yung ibang classmate ko ng ibang letter, hanggang sa halos lahat may sagot na, kumbaga sa Colorama eh may taya na yung lahat ng kulay. Ayun. Ang galing mo manghula kung tama yung sagot mo.

2. Ang hirap talaga pag may kasama kang dalawang kaibigan na hindi magkakilala. Hindi naman sa ayoko nang may kasama. Kapag kinakausap ka kasi ng isa, di maka-relate yung isa. Parang naa-others tuloy sya...Tapos minsan nagkakasabay pa sila ng tawag sa'yo. Di ko tuloy malaman kung sino ang kakausapin ko. Hayy.

3. Nakow grabe yung manok ng kapitbahay namin. Yun kasi yung palatandaan ko, kapag tumilaok na yun nang mga 11:30pm sa oras namin, ibig sabihin eh late na ang tulog ko. Grabe ba naman maka-tilaok, mga twenty times yun kung tumilaok, hindi pa kasali yung ka-tilaokan nyang manok sa kabilang steet. Ganun pala yun, para silang nagsasagutan.

Manok 1: "Tik-tilaok! May gising pa ba jan?"
After 5 seconds...
Manok 2 (Sa kabilang street): "Tik-tilaok! Oo gising pa akooo!"
Manok 1: "Tik-tilaok! Ano ginagawa mo?"
After 5 seconds ulit...
Manok 1: "Tik-tilaok! Sumagot kaaa!"
Manok 2: "Tik-tilaok! Nandito pa ako, tumitilaok!"

Pero na-appreciate ko naman yung tilaok nung Manok 1, yung nasa kapitbahay namin. Perfect yung tilaok nya, parang yung mga naririnig mo sa mga palabas.


0 comments: