April 1, 2008

Our ABS-CBN Studio Tour (recovered from TCaf)

Jan 17, 2007

Kasi exposure trip namin nung araw na yun, tapus side trip lang daw yung sa ABS-CBN na tour. Dapat nga eh manunuod kami sa Wowowee, kaya lang di na kami umabot sa time na sinet ng ABS-CBN, kaya nag-tour na lang kami.Unang una, binigyan kami sa bus ng sticker ng ABS-CBN para makapasok kmi. Tapus, pumunta kami sa isang room dun, parang seminar hall yata yun. Pagdating nung tour guide, sigawan na agad yung iba naming klasmeyts kasi gwapo yung tour guide. Sabi nya pwede daw namin syang tanungin ng kahit ano except math then sbi nya, pag merun daw kming naksalubong na artista, kakausapin daw muna nila bago kami makpagpa-picture.. Bigla namang nagtanung yung kaklase ko: "anjan ba si Kris Aquino? baka naman pwede syang kunan.." (buntis si Kris nung mga time na yun :)

then, nag-tour na kami..wee. may mga pictures sa wall, pero yung mga picture ni Rico Yan ang nakakuha ng atensyon ko. wala lang. pumunta muna kami sa set ng Deal or No Deal. Ang liit lang pala ng studio, pero anlaking tignan sa tv. waw. tinanung namin kung sino si banker, pero sabi nila, honestly daw ay di din nila kilala si banker. weh. tapus sa set ng Game Knb naman kami pumunta..andaya tinanggal nila yung atras abante na platform. gusto ko sanang subukan..nung isang beses habang nakpila kami..may dumaan na artista..yata. pero oo, ganda nya e. di ko lang namukhaan kasi naka-cap sya. di din sya nagpa-abala sa amin;talagang dumaan lang sya. -.-

tapus pumunta kami sa set ng Aalog-Alog. nakita nmin dun si Bentong. syempreh picturepicture.. andun din yung isang batang Star sa Going Bulilit. di ko kasi alam name nya..Kiray daw e. taama ba?? basta sya yun. tapus sa set naman ng Wazzup Wazzup kami pumunta. ang masama nito, puro set lang ang nadatnan namin; wla yung mga artistah nyeh :p Nung pabalik na kami, nasalubong ulet namin si Bentong. Feeling close na agad sila nung isa kong klasmeyt kasi nakipag-apir sya dun. wahehe nice

dumaan naman kami sa set ng Wowowee - nung wala nang tao (dun dapat kasi kami pupunta, yung live). tinignan lang namin yung set, tapus tinawag nila yung isang host ata yun, di ko din kilala. nagpicturepicture ulet sila..tapus lumabas na kami. nakita ko na din yung Sinski na tricycle. hehe.habang andun kami sa set ng Wowowee, napag-usapan namin yung dumaan na artista kanina. Si Karel daw yun, sabi nung klasmeyt ko.
"Talaga?? sayang naman, picturepicture sanah..hayy."

habang andun kami s loob ng compound (pero nasa labas ng building), may nakaparada dung sasakyan. WAW SI KIM CHIU ANG NASA LOOB WAW ganda nya nga.! naka-skul uniform sya e, di ko alam kung galing sya sa skul o yun ang damit nya para sa taping. pinicturan pa din sya ng mga klasmeyts ko kahit may tint yung bintana ng sasakyan. katabi nya nga pla si Gerald Anderson. pero si KIM ang tinignan ko - waw.tapus umalis na yung sasakyan.
pa-labas na kami ng ABS-CBN..umikot pa kami sa DZMM at WRR. Tapus nakarating na kami sa labas. Sumakay na yung mga klasmeyts namin sa bus, tapus naisipan naming mag-cr. sabi ko, "uu nga nuh pa-experience namang mag-cr sa ABS-CBN. ahehe." pinuntahan pa nga kami ng tour guide sa may cr. sabi nya iiwan na daw kami nung bus, tapus sumakay na din kami..yun lang..

tapus merun pa pla, nadaanan din namin yung PBB House. Bat ganun ang liit pag nakita mo yung totoo? bat anlaki sa tv??

0 comments: